Posts

Showing posts from July, 2018

Plastic Republic ng I-Witness: Isang Pagsusuri

Programa: I-Witness Epsiode: Plastic Republic Inere: Hunyo 23, 2018 Buod: Ang episode na Plastic Republic ng I-Witness ay nagpapakita ng ginagawa ng ilang Pilipino sa problema ng plastic. Dito makikilala ang mga tao na may sariling solusyon sa dami ng plastic sa Pinas. Dito nakilala si Celso Lee, na ginagamit ang tinapon na plastic para sa damit at pang dekorasyon, na kinahuhumalingan ng mga tao sa paligid niya. Meron namang isang pamilya sa Rizal na tinalikuran ang paggamit ng plastic. Malaking tulong ito, dahil 208 kilo ng plastic ang nagagamit at tinatapon ng isang Pilipino sa isang taon, habang 400 milyong tonelada ang nagawang plastic sa buong mundo noong 2017. Sa Manila Bay naman, ang   natitirang natural na gubat sa Maynila ay napapaligiran na ng plastic. Karamihan ng plastic dito ay nanggagaling sa mga estero na nagmula sa ilog Pasig, na naanod ng tubig papunta sa dalampasigan. Ayon sa mga naglilinis ng dalampasigan, hindi lang ang mga tao na nagtatapon ng ba